Neng
Neng Ferrer
Nov 8, 2011

Prayer Request

Panginoon ko naririto na naman po ako para humingi ng iyong tulong at awa. Alam ko po na sa iyo ang mga solution ng mga problema ng aking pamilya Ang pinansyal naming pangangailangan lalong lalo po sa enrolement ng aking 2 anak pati po ang aming mga gastusin sa araw- araw. Panginoon ko alam ko pong walang impossible sa iyo. Taus puso pong akong nagsusumamo ng iyong tulong at awa. Lahat ng paraan po ay ginawa ko na po at ngayon po ang tanging paraan po ninyo ang aking hinihintay sa anumang oras. Panginoon ko maawa po kayo sa aming pamilya na dumaranas ng ganitong pagkagipit sa pera. Ipagkaloob mo po sa amin ang iyong milagro na palagi mo pong ibinibigay sa lahat ng tao. Alam ko pong hindi po ako karapa tdapat sa iyo kaya po kayo na po ang magpuno sa aming mga pagkukulang. Ako po ay umaasa sa iyong awa at tulong na kailangang kailangan ng aming pamilya. Ang lahat pong ito ay itinataas ko po sa ngalan ng Ama , Anak, at Espiritu Santo. Amen