Lilibeth
Lilibeth Asejo
Sep 5, 2013

Prayer Request

mahal na panginoon at mahal na inang maria, nagpapasalamat po ako sa lahat ng biyaya, tulong at pagsubok na dumarating sa aming buhay. humihingi po kami ng tawad sa lahat ng aming mga pagkakasala. idinadalangin ko po na naway pagalingin nyo po kami sa aming mga karamdaman. pagalingin nyo po ako sa sakit ko sa kidneys, ang aking mga apo sa karamdaman nila ngayon, ang pagbubuntis ng aking anak n c cza. kaawaan nyo rin po ang aming mga mahal sa buhay gayun din po ang mga taong nangangailangan ng awa at tulong ninyo. sa tulong po ng panalangin ng ibang tao, naway ipagkaloob nyo po ang kahilingan ko. amen