Mahal na Panginoon at Mahal naming Ina, nagpupuri po ako at nagpapasalamat sa lahat ng mga biyayang ibinibigay nyo sa amin, at sa mga pagsubok n syang nagpapatibay sa amin. humihingi po ako ng tawad sa lahat ng aking pagkukulang at pagkakasala. inihihingi ko rin po ng tawad ang mga taong nakagawa sa akin ng pagkakamali. idinadalangin ko po na nawa'y patnubayan mo po kami sa araw araw n pamumuhay namin. pagkalooban nyo po kami ng kagalingan sa lahat ng aming mga karamdaman. pahiramin mo po ng katalinuhang nagmumula sa iyo ang aking mga apo. patnubayan nyo po sila sa kanilang pag aaral. salamat po sa paggaling ng karamdaman ng aking anak n si cza cza. patnubayan nyo po ang kanyang pamilya at ang kanyang pagbubuntis, maging malusog po sana ang aking apo pag ipinanganak sya. kaawaan mo rin po ang aking mga kaanak ,mga kaibigan , mga kakilala, at ang mga taong nangangailangan ng awa at tulong ninyo. maraming salamat din po sa swerteng ibinigay nyo sa akin. dinggin nyo po nawa ang mga kahilinganko at ng mga taong dito'y naglalahad din ng kanilang hinaing. amen. ang lahat po ng papuri at pasasalamat ay ibinabalik ko sa inyo sa dakilang pangalan nyo, amen.